(National News) PITX, NAGBUKAS NA NGAYONG NOBYEMBRE
MagpapaCavite? Batangas? Laguna? Ngayong Pasko? Ito na ang inyong magiging terminal, ang PITX o ang Parañaque Integrated Terminal Exchange. Ito ang kauna-unahang Landport ng bansa at matatagpuan ito sa Kennedy Road, Parañaque City. Ito ang magiging kapalit sa mga terminal na ipinatayo ng iba't ibang kompanya ng bus sa Kamaynilaan at inaasahang dadayuhin ito ngayong Pasko. Mala-Airport ang disenyo ng terminal at ayon sa mga nakapunta na rito, maganda at maluwag sa pakiramdam at hindi mo namamalayan na nasa Pilipinas ka.
Iba't-iba ang mga Features ng Landport na ito at isa narito ang Designated Ticket Booth na kung saan dito nalang makakakuha o mabibili ang iyong ticket papunta sa inyong pupuntahan. Katulad sa ibang ordinaryong terminal, meron ding nakatalagang pag-antayan ng mga pasahero baka sakali naantala ang iyong sasakyan. Dito rin matatagpuan ang nagviral na All Gender na CR at hindi ka maiinip dito dahil may mga monitor o TV na nakapalibot sa terminal.
Ang nasabing terminal ay isang PPP o Private-Public Partnership na proyekto ng Gobyerno at Megaworld. 》TTKK Blog 📷 Angelica SCerbito Armada