top of page

DIVERSION ROAD, NAPILING MAPAGPAPATATUAN NG BAGONG TRAFFIC LIGHTS

Magkakaroon na ng Traffic Light ang isa sa mga umuusbong na lansangan sa Tugue, ang Diversion Road. Ilalagay ito sa Intersection ng Bagay Road at Campos Street na kung saan ito ang nagiging pabigat lalo na kapag Rush Hour. 

Ito ang nagiging alternatibong ruta papuntang Solana (Westbound) at Iguig (Eastbound) at isabay pa ang mga taga Caritan, Annafunan, at Atulayan na papunta at papasok ng CBD. Dahil sa kasikipan ng daan at sa patuloy na pagdami ng sasakyan ng lungsod, naisip na maglagay rito ng Traffic Light na nauna nang nagawa sa SMTD, Hotel Roma, CBD, at Buntun Intersections na lumuwag matapos itong ipinatupad ilang buwan na ang nakakaraan. Sa ngayon, nakikitang ginagawa pa lang ang mga pundasyon at inaasahang itatayo na rin ang mga poste pagkatapos nitong magawa. Mapansin na ABS ang naging kontraktor ng nasabing proyekto na kung saan sila rin ang nagpatayo sa mga naunang Traffic Light Projects ng City Government. 

Wala pang sinasabing araw ng pagtatapos pero kung ito'y maigagamit na, inaasahang magiging sistemado na ang pagtatrapiko sa mga nasabing lugar lalo na malapit doon ang lokasyon ng pagpapatayo ng pangalawang SM ng Tugue. 》TTKK Blog 


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
JOIN THE
WIDEST SOCIAL
MEDIA SITE
VISIT OUR SITES NOW
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle
  • YouTube - White Circle
bottom of page