SKYRANCH BAGUIO, MAGBUBUKAS NA BUKAS
Mula sa City of Pines, magbubukas na ang isa sa mga pinakamasayang Amusement Park ng bansa, ang Skyranch. Ito na ang pangatlong branch ng nasabing parke na kasunod lang ng Skyranch Tagaytay at Pampanga.
Ito ay binubuo ng mga ilang rides gaya ng Sky Cruiser, Vikings, at iba pa. At hindi mawawala ang pinakaatraktibong attraksyon, ang Baguio Eye na kung saan makikita mo sa tuktok ang buong Baguio.
Matandaan na naantala ang konstruksyon nito dahil sa kakulangan ng mga permiso at impormasyon sa nasabing lugar dahil sa napapaligiran ito ng mga Pine Trees. Nagkaroon pa ng samu't saring galit ng mga Baguionista dahil sa pagpuputol noon ng mga nasabing puno. Usap-usap din noon na ipapatayo ito ng isang Parking Building dahil sa nagsisipunuan na ang mga sasakyan sa loob ng mall. Makalipas ng ilang taon na proseso at diskusyon, nagsimula na ang pagsasagawa ng Parking Area na matatagpuan sa likod ng nasabing mall o harap ng University of the Cordilleras at sa tabi naman nito ang Skyranch na nakatakdang magbubukas na sa Nobyembre 8, Huwebes na kung saan inaasahan na dadayuhin ito ng mga turista lalo na ngayong kapaskuhan.
Matatagpuan ang Skyranch Baguio sa SM City Baguio, Luneta Drive corner T.M. Kalaw Street na malapit lang sa Rotunda. Higit 12 oras ang byahe ngayon mula Tuguegarao papuntang Baguio kapag sumakay ng bus o sasakyan at 7 oras naman na kung galing sa Maynila gamit ang NLEX at TPLEX. 》TTKK Blog
📷 CTTO