TUGUEGARAO, APRUBADO NA SA PAGPAPALIBRE NG MGA SENIOR CITIZENS AT PWD's SA MGA SINEHAN
Kamakailan lang, pumayag na ang Sangguniang Panlalawigan sa ipinasang ordinansa ng Tuguegarao tungkol sa pagkakaroon ng libreng pagsisine sa mga sinehan sa lungsod. Itinakda sa batas na tuwing Lunes lamang pwedeng gamitin ito ng ating mga Seniors at Martes naman sa mga PWD's na kung saan kailangan nila ng patunay gaya ng Booklet o ID.
Ilang limitasyon ang itinalaga sa nasabing Ordinansa gaya ng isang beses lang sa isang araw pwedeng gamitin ang pribelehiyo at kailangan pa ring magbayad ang magiging kasama ng magbebenipisyo nito.
Nabanggit din na hindi magagamit ang pribelehiyo sa mga piling araw tulad ng Special at Regular Holidays, Unang araw ng paglalabas ng pipiliing pelikula, at naayos na aktibidad na kung saan binubuo ito ng mga Senior o PWD. Magiging maganda ang resulta ng nasabing batas dahil mas mararamdaman nila ang pagmamahal at importansya sa bayan. 》 TTKK Blog