Tuguegarao, pinakamaraming malls na pinapatayo sa buong bansa
- Admin
- Jun 19, 2017
- 2 min read
Alam natin na ang Tuguegarao ay ang sentro ng edukasyon, negosyo, at mayaman sa kultura sa Hilaga-silangan ng Pilipinas. Isa rin tayo sa mga mabilis na umuusbong na lungsod sa bansa kaya pagdating sa pasyalan, hindi tayo magpapahuli.
Sa ngayon, limang malls na ang Tuguegarao at ito ay Mall of the Valley, Brickstone Mall, Primark Town Center, Unitop Mall, at ang Fragante Citimall. Ang pinakabagong nagbukas na mall sa Tuguegarao ay noon pang nakaraang taon at ngayon may nakahanda na o nakaplano nang magbubukas na panibagong malls sa ating lungsod at ito ay,
SM CENTER TUGUEGARAO DOWNTOWN na magbubukas na sa Setyembre 15, ngayong taon,
ROBINSONS PLACE TUGUEGARAO na inaasahang magbukas sa ika-4 na parte ng taon o sa susunod na taon na.
CITYMALL TUGUEGARAO CITY na susunod na taon din na inaasahang magbukas. At ang huli,
SM CITY TUGUEGARAO na magbubukas sa 2018 o sa 2019 na. Ito ang pinakamalaking mall sa buong rehiyon.
Ayon sa Wikipedia, 20 malls pa ang ipinapatayo na sa ngayon at wala pa dito ang Kalakhang Maynila. Ito ang listahan na nakita namin.
SM Cherry Antipolo - 2017
Robinsons Place Bogo - 2017
City Mall Bacalso, Cebu City - 2017
KCC Mall of Cotabato - 2018
RD City Mall GenSan - 2018
Robinsons Place Iligan - 2017
City Mall Dau, Pampanga - 2017
Canyon de Boracay Premiere - 2017
Robinsons Place Naga - 2017
Star Mall Naga - 2018
Robinsons Place Ormoc - 2017
SM Center Ormoc - 2018
City Mall Passi - 2017
Robinsons Place Pavia - 2017
City Mall Ungka Pavia-Iloilo - 2017
SM City Puerto Princesa - 2017
City Mall Roxas Avenue, Capiz - 2nd Quarter in 2017
SM City Roxas - October 2018
Robinsons Place Tacloban - September 2017
Grand CityMall Guiwan-Zamboanga City - 2018
4 TUGUEGARAO CITY
2 Naga City, Ormoc City, Pavia, Roxas City
1 Antipolo City, Bogo City, Cebu City, Cotabato City, General Santos City, Iligan City, Mabalacat City, Malay, Puerto Princesa City, Tacloban City, Zamboanga City
Kaya mga bes, mag-ipon na para sa kinabukasan!
***Bigyan niyo guys kami ng feedback para maganda ang kalalabasan ng aming mga susunod na blogs. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa sa aming kauna-unahang blog.