DPWH SEC MARK VILLAR, BINISITA ANG TUGUEGARAO WEST DIVERSION ROAD
Binisita ng ilang opisyal ng gobyerno at ni Kalihim ng DPWH na si Manny Villar ang ginagawang Tuguegarao West Diversion Road na kung saan iuugnay ang Carig papuntang Linao na plano rin na simulan doon ang pinaplano ngayon na bagong tulay na dudugtong mula Tuguegarao papuntang Solana.
Popondohan ang nasabing daan ng ₱1.2 B at ₱2.9 B na inaasahang matatapos sa taong 2023. Magiging apat na linya o lane ang bagong Diversion Road na magiging magaan sa mga motorista lalo na kapag dumadaan ang mga taga-Norte papuntang Sur. Ito ang magiging alternatibong daan sa 50 na taong Buntun Bridge.
Kasabay sa pagpunta ni Villar, nasabi rin na sisimulan na ang ilang proyekto sa labas ng lungsod gaya ng Camalaniugan-Aparri na inaasahang sisimulan sa Disyembre ng taong ito at pagturn-over ng ₱34 M na Evacuation Center sa Cagayan Sports Complex. 》TTKK Blog
Source: My Tuguegarao, Gene Pascual Valentin Baquiran