Search
CAMALANIUGAN BRIDGE, BALAK NANG SIMULAN
- Carlos Stephen Perfecto Lingan Jr.
- Oct 12, 2018
- 1 min read

Kasabay ng kahapong pagbisita ng Kalihim ng DPWH na si Mark Villar, balak na ring simulan ang pangatlong tulay ng Buntun Bridge na mag-uugnay sa Barangay Catotoran Norte at Mabanguc. Ito ang magiging alternatibong ruta ng mga taga-Camalaniugan at Aparri papuntang Ballesteros o sa Ilocos. Mabebenipisyunan ang mga taga-rito dahil hindi na nila kailangang dumaan sa Magapit Bridge sa Lal-lo.

Dinaluhan ng nasabing paglaunch ang ilang opisyales ng DPWH at inaasahang magsisimula ito sa lalong madaling panahon. 》TTKK Blog 📷 Isidro Cabaddu Girlie Bello Pangad Uy