TRICYCLE DRYBER NA 'DI UMANO NANINGIL NG SOBRA, NAGSALITA ANG KANYANG PANIG SA HARAP NG KAMARA
Naidinig kanina ang ika-101 na sesyon ng ating mga konsehal sa Opisina ng ating Alkalde ang tungkol sa isang tricycle dryber na nagviral kamakailan lang. Naipangalan ang dryber na si Ginoong Zacarias Pagulayan na kung saan naisalaysay niya ang kanyang panig.
Mula sa kanyang sabi naisakay, niya ang isa niyang pasahero na kukuha ng LET Exam noong nakaraang araw at sila raw ay umikot ng ilang oras para makahanap ng kanyang matutuluyan. Nakaabot sila sa Sunshine Inn sa Pengue-Ruyu. Sa oras na iyon sabi niya ₱350 lang daw ang kanyang dalang pera o ang pwede niyang maipamasahe na tinanggap nalang ni Ginoong Zacharias.
Kahapon din lumabas ang balita na kung saan may nagpaskil na tungkol kay Ginoong Pagulayan na lumalabas na siya raw ay naningil ng sobra-sobra na agad kumalat sa buong siyudad. Maraming nagalit sa nasabing post at may nagsasabi o dumedepensa kay Manong Drayber. Sa ngayon, gumugulong na ang imbestigasyon at makikita pa kung ano pa ang mangyayari sa isyung ito. 》TTKK Blog Source: Tuguegarao City Information Office