50th Robinsons, magbubukas na sa Hulyo 26, 3 PM
Matapos ang halos 2 taong pagkokonstruksyon ng pinakamalaking Robinsons ng Hilagang Luzon, sa wakas magbubukas na ito sa Huwebes. Kilala ang Robinsons dahil sila ang pinakamatagumpay na kompanya pagdating sa Land Development.
Nang maalala natin, natigil noon ang balak o pagsisimula ng pagkontruksyon dahil sa ilang problema gaya nalang sa kalapit nitong Airport na posibleng makakaapekto sa paglipat ng mga eroplano. Naging problema ito noong 2015 dahil ang balak ng nasabing kumpanya ay magpapatayo sila ng 3-palapag na mall na may kasamang hotel. Naresolba nalang ito noong 2016 na pagdesisyunan na 2-palapag nalang ito na may Basement.
Nailabas noong Hunyo 1 ng parehas na taon ang ECC Permit na sinyales na full-swing na ang Construction. Noong matapos dumaan ang Bagyong Lawin, ang target sanang Oktubre ng 2017 na opening, nailipat nalang sa taong ito dahil sa pagrerekober sa site. Nakita natin na halos natumba ang pader ng site, pumasok ang tubig sa ginagawang Lower Ground Area, at nabend ang mga bakal sa mga pundasyon ng mall.
Habang ginagawa ang mall, nagdesisyon na rin ang City Gov't na magban na ng mga Van sa Centro 11 at 12 at i-advance na itong ilipat sa paligid ng Robinsons para sa ganoon masanay na ang mga pasahero pati na rin ang mga drayber sa bagong patakaran para pagdating sa pagbubukas ng RPT, alam na nila ang gagawin.
Ang Robinsons Place Tuguegarao ay ang pangpitong mall ng Tuguegarao at pangalawang Full-service mall ng lungsod na kasunod lamang ng SM Center Tuguegarao Downtown. Ito ay matatagpuan sa may Tanza Junction kung saan nagtatagpo ang dalawang National Highway ng bansa na papasok sa TC. Ito ay may kabuuang halos 7 na hektarya na may 3 Entrances (harap ng Brickstone, harap ng Junction, at harap ng Caltex).
Matapos magsara ang pinakahuling sinehan ng lungsod na ang Brickstone noong 2014, ang RPT na ang bubuhay sa mga dugo ng mga mahihilig manood ng sine. Meron din itong Foodcourt, Bangko, Department Store, Supermarket, at Hardware. Ang pagparke ng mga sasakyan ay matatagpuan sa Pangalawang Palapag, likuran, at sa harap ng nasabing mall na kayang magsilbi na hindi bababa sa 200 na sasakyan.
Sa the BIG day, aasahan na bibisitahin tayo ng kapwa nating Cagayano na si Maja Salvador na Endorser ng Robinsons at ang kapwa rin niyang Kapamilya na si Xian Lim. Isang araw pagkatapos ng pagbubukas, pupunta naman ang isa nanamang aktor na naging katrabaho na rin ni Maja na si Joseph Marco. Sa mga susunod na dalawang araw, darating din si Tony Labrusca at ang kinigiliwan ng mga bata na si Poporo. Sa darating naman na Agosto 4, darating ang TV Patrol sa Tugue para sa isang Kapamilya Caravan na kung saan magsasagawa ng Job Fair sa Event Center ng RPT.
Magbubukas ang Robinsons Place Tuguegarao sa Hulyo 26, ganap na alas-3 ng hapon. Katulad sa nangyaring Grand opening ng SMTD, inaasahang maraming tao ang dadagsa sa nasabing pangyayari. Mangyari na rin tumutok sa coverage ng TTKK para sa mga iba pang updates.