top of page

Traffic Lights, parating na!


Ang trapik ang pinakamalaking problema ng Tuguegarao at sabi ng mga experto, kung hindi ito masolusyunan o gawan ng paraan, posibleng hindi na kaya ng Tugue na magsilbi pa ng mga sasakyan sa taong 2030.

Ang rason kung bakit nagkakatrapik sa TC ay dahil sa kawalan ng koordinasyon sa mga Intersection lalo na sa panahon ng Rush Hour. Bilang tugon ng ating City Government, nagtatag sila ng Traffic Lights pati na rin ang Pedestrian Crossing Lights sa mga pinakamalalang Intersections.

Sa buong Rehiyon Dos, ang Tuguegarao na ang kauna-unahang nagkaroon ng Traffic Lights pero kaya lang naitanggal ito dahil sa konti ng mga saasakyan ng panahon na 'yun. Ngayon, tatlong lungsod na ang nagkaroon ng sistemang ito (Santiago City, Cauayan City, Tuguegarao City).

Ang unang nilagyan ng ganitong sistema ay ang Buntun Intersection (Luna Street corner Diversion Road). Kilala ang Buntun dahil sa Western Terminal o ang terminal ng mga Jeep, Van, at Bus papuntang Solana, Tuao, Piat, at iba pa. Hindi tulad sa ibang lansangan ng Tuguegarao, ang Buntun ang isa sa mga palaging busy at minsan hindi na nagkakasundo ang mga sasakyan galing Northern o Western Tuguegarao at mga PUV's lalo na sa nasabing Intersection. Maidagdag lang, ang Buntun ay biglang umunlad at nakisama na rin sa takbo ng kaunlaran kasama ang Balzain at Carig kaya sakto lang na ilagay ang sistema na ito.

Pangalawa naman ang Luna corner Bonifacio Street dahil ang Intersection na ito ang nagsisilbing daan papunta sa Mega Balzain (North), Fragante Citimall (West), at SMCTD (South). Matatagpuan ito sa kalagitnaan ng Central Business District kaya hindi lang ang mga sasakyan ang nagreresulta ng trapik dito, pati na rin ang mga tao kaya tama lang na lagyan ng Pedestrian Lane noon ito.

Pangatlo ang CBD Intersection (Campos, Rizal, Bonifacio, Burgos Streets, College Avenue, at Balzain Highway). Ito ang pinakamalalang Intersection kung pumatak na ang alas-4 hanggang alas-8 dahil ito na ang oras ng uwian. Dito naman kasi nagsasalubong ang umuuwi galing trabaho sa Carig at Balzain (Balzain Highway), pumupunta sa CBD (Campos Street), at pauwi galing sa CBD (Rizal Street). Delikado na ring tumawid sa mga lansangang ito dahil sa walang humpay na pag-arangkada ng mga sasakyan. Hindi lang ang Rush Hour ang bida rito, isama na rin natin ang buong araw dahil araw-araw naman marami ang dumaraan dito at dahil dito, hindi na nagkakasunduan ang mga sasakyan sa pagpasa sa Intersection na ito at kumplikado talaga dahil pati na rin ang mga Traffic Enforcer ay talagang mapapagod dito. Buti naman kung gagana na ang mga Traffic Lights at Pedestrian Crossing Lights dahil parang buong Tugue na ang gagaan dahil dito.

Ang panghuli ay ang SMCTD Intersection (Mabini corner Luna Streets). Medyo mabigat din itong parte dahil nga sa katabi nitong mall at mga kilalang pamantasan. Simula umaga, talagang gagana o may saysay na ang Traffic Lights dito dahil hindi gaya sa ibang Intersections, ito na ang mabigat dahil ang mga estudyante at nagtatrabaho ang parating gising pagpatak ng alas-6 at 30 sa mga daang ito. Mula sa Carig, Balzain, Caritan, at iba pang nasa Northern Tuguegarao ay nagtitipon-tipon sa lansangang ito maliban nalang kung ibang ruta ang napili nila. At syempre sa Western Tuguegarao gaya ng Buntun, Pallua, at Ugac ay nagsasama sa Luna Street kaya nagsisimula na ang tinatawag nating "build-up" kaya makakabuti lalo na sa mga estudyante na takot mahuli sa klase na lagyan ng sistemang ito dahil magkakaroon na ng direksyon ang mga Tricycle Dryber at iba pang nagmamaneho.

Gaya sa Lungsod Naga, nagkaroon sila ng Seminar tungkol sa ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa sistemang ito at ganoon din sana mangyari sa ating lugar dahil alam naman natin dito sa Rehiyon Dos, nasanay tayo kung ano ang palagi nating ginagawa at sana naman huwag tamarin ang mga drayber na sundin ito dahil una sa lahat naitatag ito para sa kapakanan ng pagluwag ng trapiko at syempre huwag tayong 'atat' sa paghintay sa Red Light na 'yan dahil gaya ng pag-ibig, hinihintay at pinagtiyatiyagahan 'yan at dapat hindi ito minamadali dahil kung kung hindi, tayo ang masasaktan.


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
JOIN THE
WIDEST SOCIAL
MEDIA SITE
VISIT OUR SITES NOW
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle
  • YouTube - White Circle
bottom of page