top of page

Taga-Tuguegarao, hindi pa handa sa pagkakaroon ng Taxi


Dahil sa nagkukulang na ang mga mabubuting tricycle drybers ng Tuguegarao, isinisigaw na ng mga Taga-Tuguegarao ang pagkakaroon ng Jeep at hindi Taxi. Ayon sa research at sa pagtatanong ng #TTKK, 95% ang hindi pumayag at 5% ang nagsabi na susi ito sa paggaan ng ating pakokommute at ekonomiya ng ating lungsod.

Para sa kaalaaman ng lahat, ang Taxi ay isang sasakyan na gumagamit ng Metro, sakop hindi lamang ang Tuguegarao kun'di sa buong rehiyon, sumasailalim o nakarehistro sa LTFRB, at hindi na kumukuha ng mga pasahero kung may nakasakay na. Sa buong North Luzon, ang Baguio City pa lang ang mayroong ganitong transportasyon kung saan maayos at madaling makakakuha ng pagsasakyan na walang pag-alala dahil makakarating ka talaga sa iyong pupuntahan at idagdag mo pa na halos lahat ng mga dryber doon ay mabait.

Nang dahil sa nakikita na tayo ng mga imbestor, nag-iisip na dapat tayo ng bagong paraan ng pamumuhay at dahil na rin tayo ang kabisera ng rehiyon, dapat tayo ang nangunguna o nagiging halimbawa ng isang Liveable at Progressive City.

Gaya sa Maynila, makabago na ang pagkuha ng transportasyon specifically ang mga Taxi at ito ang Uber at Grab. Itong dalawang App sa inyong Smartphone ay pwedeng kumuha ng sasakyan na kung saan makikita mo kung pagkano ang iyong babayaran papunta sa iyong destinasyon at makikita mo pa rito ang personal na detalye ng dryber at ang kumpanya na humahawak sa kanya.

Katulad ng Maynila at Baguio, bakit hindi pa sa Tuguegarao? Ito ang mga maaaring dahilan,

  1. Hindi tayo dumaan sa Urban Planning

  2. Masikip ang ating daan!, nasabing masikip dahil ilan sa mga daan lalo na sa CBD ay iisa lamang ang lane, ibig sabihin isang sasakyan lang ang pwedeng dumaan sa mga ganitong daan.

  3. Masyadong maraming tricycle, dapat balanse ang opsyon sa pagkuha ng transportasyon.

  4. Saan magpaparking ang mga Taxi?

  5. Siguro sa pagiging Component City natin

  6. Hindi pa ito napag-uusapan ng City Government at Regional o Provincial Transportation Office

  7. Iba sa mga imprastraktura at Business Establishment sa lungsod ay hindi pa nakadisenyo para rito.

Ikaw? kasama ka ba sa 95% na umaayaw para rito o ikaw ang 5% na umaayon at dapat nang may maidagdag sa ating mga lansangan. I-comment mo na 'yan!


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
JOIN THE
WIDEST SOCIAL
MEDIA SITE
VISIT OUR SITES NOW
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle
  • YouTube - White Circle
bottom of page