top of page

Robinsons Malls at Go Hotels, parating na!


Source: Robinsons Place Tuguegarao Facebook Page

Source: Gohotels.ph

Matapos nating sinubaybayan ang #SMCENTERTUGUEGARAODOWNTOWN na magbubukas na sa Oktubre 12, Huwebes, ating tingnan natin ang Robinsons Malls ng Robinsons Land Corp. at Go Hotels ng Cebu Pacific.

Ang Robinsons Mall ang pangalawang pinakamarami at pinakamalawak na napagpatayuan na mall sa ating bansa. Sa katunayan 46th Commercial Dev't o mall ang sarili nating #ROBINSONSPLACETUGUEGARAO, Ang RPT ay matatagpuan sa Cagayan Valley Road corner Maharlika Highway, Leonarda, ito ay may dalawang (2) palapag at estimated na anim (6) na hektarya ang GFA nito at estimated din na 400 ang Parking slots nito. Meron din itong Integrated Van Terminal sa labas ng mall para sa Convenience ng mga bumabyahe sa labas ng Tuguegarao.

Source: Louie Antonio

Source: Tuguegarao City Facebook Page

Sa loob ng mall, mabubungad na sa iyo ang magandang Atrium na may pagkahawig sa palette o ang hawakan ng pintura na kung saan hinahalo ang mga pintura na ginagamit ng mga artists. Sabi ng ibang source, ang labas daw ng mall ay nilalabas ang pagka-Asyano natin.

Sa East side naman ay makikita ang Activity Area na kung saan pwede ditong gawin ang Job Hiring, Blood Letting, at iba pa. Dito rin makikita ang Supermarket at Department Store na mageextend sa Second floor. Sa 2nd floor naman na makikita ang 6 na cinemas na tinatawag na Movie World, HandyMan naman para sa mga tatay, Amusement Center para sa mga bata, Daiso Japan para kay Nanay, tindahan ng mga damit (Non-food tenants) para sa mga Adolecents at Food Tenants naman na para sa lahat!

Source: Louie Antonio

Source: Tuguegarao City Facebook Page

Sa West Side naman ay makikita ang iba pang tenants na makikita rin sa Basement ng mall, sa taas naman na ay nakalocate ang Appliances at Lingkod Pinoy Center, para sa mga hindi nakakaalam, ang Lingkod Pinoy ay isang one-stop shop para sa mga importanteng ahensya ng gobyerno at hindi na kailangang pumunta ang mga taga-Tuguegarao sa Regional Gov't Center sa Carig Sur dahil matatagpuan lang dito.

Source: Louie Antonio

Kumpletong-kumpleto na diba? May magpapadagdag pa sa inyong shopping-living experience!

Ito ang #GOHOTELSTUGUEGARAO, ang 16th Go Hotels at 22nd Robinsons Hotels and Restaurants. Ito ay isang 2 o 3 palapag na hotel na mayroong 136 na kwarto at matatagpuan lamang ito sa likuran ng RPT.

Handa ka na ba bes sa pagbukas ng RPT? Target buksan ang #ROBINSONSPLACE TUGUEGARAO sa March 2018 kaya hanggang maaga pa, mag-ipon-ipon na!


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
JOIN THE
WIDEST SOCIAL
MEDIA SITE
VISIT OUR SITES NOW
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle
  • YouTube - White Circle
bottom of page