top of page

QUIRINO AIRPORT, malapit nang simulan ang konstruksyon!

  • Admin
  • Aug 25, 2017
  • 2 min read

Ito na yata ang pinaka-progreso ng buong Rehiyon Dos, ang AIRPORT! Kamakailan lang, nabalitaan natin ang posibleng paglipat ng Tuguegarao mula sa Pengue-Ruyu papuntang Tagga-Dadda. Itong summer, nabasa natin sa ibang page na nagsimula na ginawa ang Calayan Airport at nalalapit na pagbukas ng Cagayan North International Airport.

Sa katabing probinsa naman nito ang Isabela, may mga dati nang nakatalaga roon gaya ng Cauayan City Airport at Palanan Municipal Airport at may nababalitaan na paparating na 2 airport. Ang isa ay nasa Cauayan na tatawagin daw na Cagayan Valley International Airport na ang sukat daw nito ay umaabot ng 100 hektarya at ang pangalawa naman na ang Santiago.

Meron ding airport ang katabing probinsya nito ang Nueva Vizcaya, ang Bagabag Airport na kalapit lang nito ang dalawang naglalakiang bayan, ang Bayombong at ang Solano na sinasabi na pang-5 na lungsod ng Lambak.

Umakyat naman na tayo sa taas at matatagpuan natin ang sarili nating Batanes at nandito nakatayo ang Basco Airport.

Halos lahat na ng probinsya ng Rehiyon Dos ay may paliparan na at panahon na ngayon ng Quirino!

Ang Quirino ay matatagpuan sa pinakababang parte ng Rehiyon, katabi nito ang probinsya ng Aurora at ang Nueva Vizcaya. Mga 9 oras lamang ang biyahe papuntang Maynila kung dito ka magsisismula at kung susumahin, ito na ang pinakamalapit sa Maynila at magandang lokasyon ito para pagtayuin ng isang magandang Airport.

Ang Quirino Airport ay magiging isang Domestic Airport na matatagpuan sa Maddela at kayang magsuporta ng mga flights galing sa iba't-ibang parte ng bansa. Nagkakahalaga ito ng P 7,111,742.40 at pasok na ito sa Department of Transportation na may hawak sa nasabing proyekto. Oras na makakuha na ng magiging kontraktor ng nasabing proyekto, agarang sisimulan na ang paggawa.

Ipagmalaki mo na laki kang may ligaya at tagumpay dahil walang makakapantay sa iiisang rehiyon na umuusbong.


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
JOIN THE
WIDEST SOCIAL
MEDIA SITE
VISIT OUR SITES NOW
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle
  • YouTube - White Circle
bottom of page