Bagong Site Update ng #TTKK, paparating na sa Linggo!
Ang Site Update ay isa sa mga Segment ng #TTKK, ito na ang pinakamahabang pinapatakbo ng #TTKK mula pa noong Enero 2016. Ito na ang naging trademark ng Taga Tuguegarao Ka Kung dahil sa pag-uupdate nito sa mga nagdaang proyekto gaya ng Juliana's Square, Mcdonald's Tanza Junction (Remake), at ang SM Center Tuguegarao Downtown.
Pinakafeature ng #TTKK ang pagsasagawa ng mga malalaking gusali ng Tuguegarao gaya ng mga malls kaya napili ng #TTKK Team na ang Valley Hotel Tower Mall ang magiging regular na site update ng #TTKK. Kada Linggo ang magiging update nito kagaya ng ginawa noon sa SM Downtown at magtatagal ito hanggang matapos na ang paggawa sa panglabas na anyo nito. Matapos ng konstrusyon, tutok naman na ang #TTKK kung ano o sino ang kukuha sa mga stalls ng nasabing mall.
Ang Valley Hotel Tower Mall ay isang bagong pasyalan na matatagpuan sa Balzain Highway, Centro 12.
Ang gusali ay binubuo ng siyam na palapag kasama na ang basement
Ang basement ay magiging parkingan, ang Ground at pangalawang palapag ay ang mismong mall at ang mga natitira nang palapag ay ang hotel na nito.
Ito na ang pangalawang branch ng Valley Hotel at ika-8 na mall ng Tugueagarao pagkatapos ng SM Downtown at Robinsons Place Tuguegarao.