top of page

Dadda o Tagga, posibleng lokasyon ng Tuguegarao City / Cagayan Int'l Airport


Alam nating lahat na pwede tayong pumunta sa ating lugar gamit ang panglupang transportasyon at ang panghimpapawid o ang tinatawag na nating Airplane. Ang Tuguegarao City Airport ay ang pinakaabalang airport ng Rehiyon 2 at ito ay isang Domestic Airport, ibig sabihin ay sineserbisyuhan lamang nito ang mga eroplano dito sa ating bansa.

Ang Tuguegarao City ay tinaguriang "Booming City of the North" at karapat-dapat ng mga taga-Tuguegarao na mabigyan pa ng mas malaking serbisyo at mga produkto kaya naisip ng Provincial Government na bigyan pansin ang panghimpapawid na serbisyo dito mismo sa kabisera. Kahapon (Agosto 22), nabigyan ng boses ang mga lider at mga negosyante ng lungsod tungkol sa plano na ililipat na ang Tuguegarao City Airport sa Piat-Tuao Area.

Ang resulta ng pulong ay sang-ayon sila sa paglilipat ng Tuguegarao City Airport pero dito pa rin sa lupa ng Tuguegarao. Solusyon ng City Government ay maghahanap sila ng lupa na kayang magsuporta ng International Airport at ito ang Dadda-Tagga Area na kung saan itong mga barangay ay matatagpuan sa Kanang bahagi ng lungsod. Pangalawa ito sa huliang barangay at ilan ito sa mga Rural o hindi pa masyadong nakikita ng pag-unlad. Populasyon ng dalawang barangay ay umaabot lamang ng 3,000 at itong mga taga-Dadda at Tagga ay kaya nang sumabay sa daloy ng Ekonomiya ng Tuguegarao oras na matuloy itong plano.

Ang mga nasabing barangay ay magandang lokasyon hindi lang ang Tuguegarao pero ang katabi na rin nitong probinsya. Kulang-kulang 20 minuto ang layo nito mula sa Central Business District at kailangan pang pumunta sa parkingan ng mga nasabing barangay kung gusto mong makatipid.

Kapag iisipin, susi na ito ng pagiging Highly Urbanized City ang Tuguegarao, ibig sabihin buong Tuguegarao na ay may pag-unlad na at magiging ka-lebel na natin ang mga mauunlad na lungsod ng bansa tulad nalang ng Baguio City at isang patak na ito ng pagiging International ang Tuguegarao at susunod na nito ang paglalagay na ng International Convention Center.

Ikaw? Nakikita mo na ba ang pagiging Globally Competent ang Tuguegarao? I-komento mo na 'yan sa ibaba!


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
JOIN THE
WIDEST SOCIAL
MEDIA SITE
VISIT OUR SITES NOW
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle
  • YouTube - White Circle
bottom of page