Ang EDSA ng Tuguegarao, Balzain Highway!
Ang Epifanio De los Santos Avenue o EDSA ay matatagpuan sa Kalakhang Maynila. Ito ang pinakamahalaga, pinakamalawak, at pinakaiinisan ng bawat motorista ng taga-Maynila. Dito naman sa Tuguegarao, ang Balzain Highway na ang tinaguriang EDSA dahil sa dami ng dumadaan dito; mapa-motor, sasakyan, bus, Van, kalesa, at iba pa.
Sa Maynila, ang EDSA ay konektado sa mga malalaking malls ng Pilipinas tulad ng SM North EDSA sa itaas ng EDSA, SM Megamall sa gitna hanggang sa baba ang SM Mall of Asia. Sa Tuguegarao naman, Robinsons Place Tuguegarao sa itaas, Valley Hotel Tower Mall sa gitna at Unitop Mall sa baba. Ang pagkakaiba lang dito at sa Maynila ay ang Balzain Highway ay ang daan papuntang Regional Government Center sa baba naman ay ang ating Central Business District,
Ang ating City Government ay naglunsad na ng bagong panukalang batas tungkol sa trapiko ng lungsod at kasama na riyan ang nasabing Highway. Ang mga nagawa na ay;
Ang pagpapalawak ng daan na ginawa ay inaspalto ang buong 4 lane,
Paglalagay ng barriers na kontrobersyal pa hanggang sa ngayon dahil may nagsasabi na mas nagdudulot ito ng trapik at mahihirapan ang mga iba na mag-U turn dahil naiharang na ang daan at kailangan pa nilang pumunta sa mga dalawang intersection ng nasabing Highway (1st intersection: Balzain Bridge, 2nd intersection: bago mag-Valley Hotel Tower Mall).
Paglalagay ng No Parking Signs sa buong daan.
Pagbibigay ng ticket kung sino ang lalabag sa batas trapiko.
Ang pag-tow na sa mga abusadong motorista.
Paglilipat ng mga Van terminals sa paligid ng Robinsons Place Tuguegarao (kasama ng plano ng Robinsons ay ang paglalagay ng Van Terminal sa harap ng nasabing mall)
Paglalagay ng Intersection Box, Pedestrian Lane, at Lane Divider pero hindi pa ito naisasagawa.
Paglalagay ng kauna-unahang footbridge sa harap ng University of Cagayan Valley - Balzain Campus (hindi pa ito sigurado).
Paglalagay ng Traffic Lights (hindi rin ito sigurado)
Paglalagay ng mas mahabang Street Lights.
Kaya huwag maging apurado at abusado sa daan dahil lahat naman tayo ay makakarating sa pinaroroonan.