top of page

Mahusay na kontributor ng TTKK Facebook Group, pumanaw na.


Siya si Estanislao Caldez, Jr., Taga Tuguegarao. Kung hindi niyo pa siya kilala, ipapakilala na namin. Siya ang palaging nagpopost ng mga nakaka-antig na poster sa Taga Tuguegarao Ka Kung Facebook Group.

Bakit namin ito ginawa itong blog? Dahil sa nilalaman ng mga posters na pinopost niya sa TTKK Facebook Group, merong poster na tungkol sa mga lugar dito sa Cagayan gaya ng Piat, ang peymus na Pancit Batil Patong, mga santo't santa, at iba pa.

Editor o contributor din po siya ng My Tuguegarao at magandang pagkuhanan ng poster sa #TTKK. Pero kahapon ng alas-6, nabalitaan nalang sa nasabing Facebook Group na pumanaw na ang magaling na kontributor. Nabigla ang lahat lalo na ang TTKK Team na minsan nakilala na siya. Ang burol po ay nasa Kalakhang Maynila na kung saan doon siya nagtrabaho ng ilang taon na. Nasabi po ng pamilya na siya ay relihiyoso at pumupunta sa simbahan para gumawa ng debosyon.

Buhay nga naman ay may katapusan kaya nakikiramay po kami sa pamilya Caldez sa pagkapanaw ng kanilang minamahal. Sana po nasa magandang lugar na siya ngayon. Gaya ng palagi naming sinasabi dito sa TTKK, salamat Tuguegaraos!


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
JOIN THE
WIDEST SOCIAL
MEDIA SITE
VISIT OUR SITES NOW
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle
  • YouTube - White Circle
bottom of page