Robinsons Place Tuguegarao, pangalawang pinakamalaking mall sa R2!!!
Noong 2015, nabigla ang mga Taga-Tuguegarao pati na rin ang inyong Admin sa pagdating ng Robinsons sa Tuguegarao. Nabigla dahil may bakod nang nakalagay sa harap ng Brickstone Mall at may billboard na nagsasabi na "Robinsons Place Tuguegarao, Opening Soon". Nang nagbukas ang Taga Tuguegarao Ka Kung noong Disyembre 28, 2015, agarang pumunta ang nasabing pahina sa site ng Robinsons. Nang pumunta ang #TTKK sa site, meron pang nakikitang mga damo at hindi pa nakagalaw ang lupa at nagtanong sila kung kailan sisimulan ang nasabing proyekto pero walang sumagot.
Gaya ng SM Center Tuguegarao Downtown, tuloy-tuloy na ang pag-update sa nasabing proyekto pero itong nasabing proyekto ay hindi muna.
May nakuha kaming source na sabi madedelay muna ang proyekto dahil may problema sa pagkuha ng Height Clearance ng nasabing mall sa CAAP dahil kung mapansin niyo ay malapit ang Robinsons Place Tuguegarao sa Tuguegarao City Airport na runway. Bakit may problema? dahil ang plano ng mall ay 3 palapag pero lumabag daw ito sa patakaran ng CAAP dahil maari itong magkaroon ng diskrasya sa mga lumilipad at paglapag ng mga eroplano kaya ito ang rason ng pagkadelay ng proyekto. Nagbago ng disenyo ang Robinsons, mula sa 3 palapag na mall ay nagtanggal sila ng isang floor at ito na ang kilala nating disenyo ngayon, ang isang 2-Floors na mall na may basement.
Noong Abril 2016, bumalik ang #TTKK sa site at nakita na may ginalaw na ang lote. Nasabi pa ng ibang pahina na kumukuha na ang Robinsons ng mga mason, karpintero at iba pang kailangan sa pagkonstrukto ng mall.
Pagkatapos ng ilang araw, nagsimula na ang #TTKK na mag-update sa nasabing proyekto. Nasaksihan natin ang paghukay, pagkatatag ng kauna-unahang poste, hanggang sa ngayon na malaki at marami na ang ginawa. Gaya ng SM Center Tuguegarao Downtown, naapektuhan din ang pagkonstrukto sa mga nagdaang kalamidad ng lungsod gaya ng Bagyong Lawin. Tumagal din ang pagrecover nito.
Dumako naman na tayo sa katangian ng mall, ang Robinsons Place Tuguegarao ay higit kumulang 6 na hektaryang mall. Ang pagkakaiba sa Robinsons Place Santiago ay ang laki niya ay 4 na hektarya. Ang Robinsons Tuguegarao ay may Amusement Center, Supermarket, 6 na sinehan na posibleng paglalagay ng isang 3D na sinehan. Meron din itong banko, Hardware, Department Store, Appliance Center, at ang mga kainan, gamit pang-teknolohiya, mga damitan, at iba pang mga espesyal na pwesto.
Espesyal ang mall na ito at pwede mo ito maging paboritong mall sa Tuguegarao dahil sa dami ng gagawin mo dito. Gaya ng ibang Robinsons Mall, maglalagay sila ng Go Hotel sa tabi ng Robinsons Tuguegarao na magbubukas din sa susunod na taon. Kaya lahat ay naririto na at ang kulang nalang ay pera kaya ipon-ipon din 'pag may time.
Noong Abril 2016, bumisita sila sa site at buti naman.