top of page

SM Center Tuguegarao Downtown, ilang linggo nalang!


Kung taga-Tuguegarao ka talaga, alam mo na saan ang lupa ng SM noon pang 2010. Kung Oo, doon diba sa tabi ng Tuguegarao West Central School 'yung palagi nating nakikitang malaking lupa na may yero pang nakaharang. Palagi nating sinasabi na SM ang naroroon pero mula noon, hindi pa ginagawa. Ilang sources ang nakukuha namin na may pagkadelay noon sa pagkuha ng permit sa dati nating administrasyon at sabi-sabi na ito ay may kinalaman sa politika.

Noong Enero 31, 2016, bumuo ang Taga Tuguegarao Ka Kung ng isang segment na kung saan magpapaskil ang #TTKK sa Facebook Page nila at nang araw na rin 'yun ay nagpost sila ng kauna-unahang litrato ng site ng SM. Marso 11, nagpost na ng kauna-unahang paggalaw ng nasabing proyekto. Nasaksihan ng marami ang paggalaw ng SM mula sa unang poste na naitayo, paglalagay ng mga Tower Crane hanggang sa napinturahan na, may signage na, at makita sa ibang pahina na pinapakita na ang loob.

Parang kailan lang mga Tuguegaraos ang ating pangarap na magkaroon ng isang malaki, matino, malamig, at kilalang pasyalan ng buong bansa at ngayon ay magbubukas na sila sa Setyembre 15, 2017. Marami mang nagdaang problema sa paggawa sa ating SM at tayo na rin na naapektuhan tulad nalang ng bagyong Lawin, pagtinis ng daloy ng kuryente dahil sa linya ng SM, at iba pa.

Kung napansin niyo na binatikos din tayo ng mga taga ibang probinsya na ito ay isang kuro-kuro daw ang pagpapatayo ng malaking mall sa atin at sabi pa ng iba na taga-kolekta pa raw tayo ng mga karatula ng mga iba pang mga malls. Pero ito na tayo ngayon, ang SM Center Tuguegarao Downtown o mas kilala na ngayon na SM Ugac ang isa sa apat na ipapatayo sa ating lungsod.

Pagkatapos ng SM Ugac, gagawin naman na ang kulang-kulang 9 hektaryang mall na matatagpuan sa Caritan Norte na kilala na ito sa SM City Tuguegarao o SM Bagay.

Ang SM Center Tuguegarao Downtown ay matatagpuan sa tabi ng ating Central Business District na may address na Luna corner Mabini Street, Ugac Sur. Magandang lokasyon ang ating kauna-unahang SM ng ating probinsya dahil nakatayo siya sa barangay na pinakamaraming populasyon ng ating siyudad. Ang SM Ugac ay isang kulang-kulang 4 na hektaryang mall na 3 palapag na may 2 palapag na Parking Space. Dalawang pagpasukan o pagpalabas ng nasabing mall, 1 sa Luna Street at 1 sa Mabini Street. Kung napansin niyo na maganda ang pagkagawa ng panlabas na pader na mall na nag-uugnay ito sa sinag ng araw. Meron itong Ceiling Fan sa loob ng mall na nagpapakita ng icon ng Tuguegarao pagdating sa ating temperatura.

Ang laman ng mall ay ang SM Hypermarket, mga kainan at iba pang pwesto na siguradong tatangkilikin ng mga taga-Tuguegarao dahil sa pangalan nito. Meron ding Cyberzone na koleksyon ng mga gamit pangteknolohiya, at marami pang iba.

Excited ka na ba? mag-ipon ka muna kaya... (hehehe)


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
JOIN THE
WIDEST SOCIAL
MEDIA SITE
VISIT OUR SITES NOW
  • Facebook - White Circle
  • Twitter - White Circle
  • Instagram - White Circle
  • YouTube - White Circle
bottom of page