Aggao Nac Cagayan na!!!
Source (Pictures): Cagayan Provincial Information Office (CPIO)
Ang palaging hinihintay ng bawat Cagayanos ay ang Aggao Nac Cagayan o ang Araw ng Cagayan kung saan ipapakita rito ang angking galing ng bawat taga-Cagayan at ang kanyang sariling probinsya.
Ngayong 2017, ito na ang ika-434 na taon na piyesta. Nakabase ang piyesta sa naging kasaysayan nito. Noong Hunyo 29, 1583 ay unang nadiskubre ang Cagayan ng mga Espanyol at sila ang nagtatag ng gobyerno na ay La Provincia de Cagayan. Sakop ng gobyerno noon ay ang ngayo'y Batanes, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at ang parte ng Kalinga at Apayao. Ang kabisera ng lalawigang ito noon ay ang Nueva Segovia na kilala na ngayon ay Lal-lo na ang bayang ito ay isa sa apat na pinakamatandang lungsod sa buong bansa. Nang nagdaan na ang taon, unti-unti nang nasasakop o natatagpuan na rin ng ibang grupo ang Provincia de Cagayan.
Ngayong Aggao Nac Cagayan ay kaunting kaibahan o taliwas na ang mangyayaring aktibidad dahil sa ating bagong gobernador. Ang tema ay #PaddarafunanPabaruenTiCagayan at hindi na lamang ang Lungsod ng Tuguegarao ang magiging lugar ng piyesta, pati na rin ang Lal-lo, Ballesteros, Baggao, Lasam, Aparri, Piat, at Tuao. Mula unang distrito hanggang sa pangatlo ay makakasaksi at makikipanayam sa ating taunang selebrasyon.
Ang nasabing piyesta ay magsisimula na sa Hunyo 25 at magtatapos sa Hulyo 2 kaya magsaya na!
Nakalista na ang mga aktibidad sa ibaba,