Cagayan, magkakaroon na ng 3 airport!
Ang Cagayan ay isang probinsya na napapalibutan ng mga bundok at ito ay ang Sierra Madre at Cordilliera Mountains. Pwedeng makapunta ang mga tao patungo sa probinsya sa larangan ng himpapawid o sa palagiang ginagamit na sa lupa..
Sa kasalukuyan, ang ginagamit na sa lupa ay ang Maharlika Highway at pagdating naman sa himpapawid ang ginagamit ay ang Tuguegarao City Airport na makikita sa kabisera at sa pinakababa ng lalawigan.
Ilang taon na nakaraan na nabalitaan natin ang pagdating ng pangalawa at kauna-unahang pandaigdigang Airport sa probinsya at matatagpuan na ngayon ito sa Lal-lo. Ito ang Cagayan North International Airport na hinahawakan ng Cagayan Economic Zone Authority o CEZA at nang Provincial Government. Nasabi na ng iba na magbubukas na ang nasabing Airport at balita ngayon na may inaayos pa raw sa CNIA.
Kamakailan lamang may lumabas na bagong balita at nasabi ito ng ating gobernador na may plano sila sa Piat at ito ilalagay ang pangalawang International Airport ng lalawigan at pati na rin ng rehiyon. 300 hektarya umano ang laki ng Airport at sasakupin ang dalawang barangay ng Piat at isa sa kabilang bayan.
Kilala ang Piat dahil sa kanyang simbahan at dito makikita ang ating minamahal na Our Lady of Piat. Ang Piat ay isang pang-apat na klase na munisipalidad at 23,597 (2015) ang nakatira rito. Higit isang oras lang ang biyahe nito patungo sa Tuguegarao at mabebenipisyo ang buong probinsya lalo na sa Piat dahil daragsa na ang mga turista galing sa labas at loob ng bansa.
Ipagdasal natin na ito'y matutuloy at CAGANDA na rin ang ating tinubuang lupa.