#TTKK, pansamantala muna na hininto ang lingguhang Update ng SM, RP, at CM
Ang isa sa mga inaabang na segment ng Taga Tuguegarao Ka Kung ay ang #SMCENTERTUGUEGARAODOWNTOWN, #ROBINSONSPLACETUGUEGARAO, at #CITYMALLTUGUEGARAOCITY Updates na lingguhang pinapaskil sa opisyal na pahina ng #TTKK sa Facebook, Instagram, at Twitter. Pinapakita dito ang mga litrato tungkol sa mga pinapatayong malls ng Tuguegarao. Nagsimula ang segment na ito noon pang Enero, 2016 na kung saan nagsisimula pa lamng pinapatayo ang SM Center Tuguegarao Downtown. Dumami ang Subscribers ng #TTKK nang dahil dito sa segment na ito at mas lalo pang dumami nang nagsimulang naibahagi ang nasabing segment sa mga malalaking Community Page ng lungsod at sa probinsya.
Nauna nang nagsabi kami sa aming Facebook Page tungkol sa pansamantalang paghinto at maibabalik nalang ito sa Hulyo. Isa sa mga rason ng nasabing paghinto ay dahil sa hindi kaaya-ayang nangyayari sa Tuguegarao at umalis muna ang Admin papunta sa ibang lugar at dahil na rin sa kanyang seguridad. Ang Admin ang pinakamaraming naibibigay dito sa pahinang ito at siya ang responsibilidad na kumuha ng litrato sa mga nasabing lugar.
Seguridad ang aming pinanghahawakan at inuulit namin, ito ay pansamantala lamang.
MARAMING SALAMAT SA PATULOY NA PAGSUPORTA SA TAGA TUGUEGARAO KA KUNG.